Pinas Politiks
Nakakatawa ang pulitika sa Pilipinas.
Parang hindi ko na kayang seryosohin kung ano man ang mangyayari sa eleksyon, o kung sino man ang iboboto sa mga tumatakbo. Kapag may kandidato mang may maayos na track record, kadalasan ay hindi kilala, nasa ilalim ng mga survey, at sa huli—malabong manalo.
Hindi ko maintindihan kung bakit sila-sila parin ang mga nauupo sa pwesto sa senado. Mga artista, personalidad at iba't-ibang klase ng tanga.
Dito, tumatakbo pa ulit kahit convicted, nakakabalik pa nga sa pwesto. Binoboto parin ng mga Pilipino. Gobyerno ba ang dahilan kung bakit mababa ang kalidad ng edukasyon? O mababang edukasyon ang dahilan kung bakit madali tayong nalilinlang? May mga taong nasa taas na gusto at may kakayahang panatilihing ganito ang sistema. Kung marunong at may kritikal na pag-iisip ang nakararami, matagal nang nahawi ang mga trapo.
Tila walang ngipin ang batas sa mga may impluwensya. Bawal bumili ng boto, pero hayagan ang mga nagbibigay ng bigas, ayuda at kung ano-ano pa sa mga pangangampanya. Hindi pa campaign period pero may mga naka-balandra nang mga pagmumuka nila sa lansangan. Ilan sa mga 'to ang nabalitaan mong nanagot na sa mga ginawa nila? Wala. Tahimik lang lahat, parang normal lang.
Wala akong mapili sa mga tumatakbong senador, puta. Hindi ko maintindihan bakit nagsisitakbo 'yang mga 'yan. Anong gagawin ng mga 'yan kapag naluklok na sa p'westo?
Kailangan i-hardreset ang Pilipinas. Pero kailangan din ng malalim na pagbabago sa maraming aspeto para magkaro'n talaga ng tunay na pagbabago ang kabuuan. Kasi kung ganito at ganito parin ang mga botante, mga kandidato, ang media - babalik at babalik lang tayo sa parehong kaldero.
Kung meron kang fantasy senatorial slate, sinong pipiliin mo? Hindi lang basta sikat. Hindi lang basta kilala. Kung meron kang listahan ng mga taong may tunay na malasakit, galing, at prinsipyo, sino sila?
Comments
Post a Comment